Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Xochitl Dixon

Ano Ka Ba?

Minsang pumunta ako sa tindahan ng ice cream kasama ang anak kong galing sa dalawang lahi, tinanong ng lalaki sa kahera sa anak ko, “Ano ka ba?” Nainis ako sa tanong at tono niya, kilala ko iyon dahil sa mga naranasan ko habang lumalaki ako bilang isang Mexican-American. Hinila ko si Xavier, at bumaling sa asawa kong African-American na papasok sa tindahan.…

Tunay Na Pagkakilanlan

Habang tinitingnan ng kaibigan ko ang mga pictures niya, tinuro niya ang mga pisikal na katangian niya na sa tingin niya ay kapintasan. Sinabi ko sa kanya, “Ang nakikita ko ay isang maganda at minamahal na anak ng Makapangyarihang Hari ng mga hari. Nakikita ko ang isang mahabaging babae na umiibig sa Dios at sa iba, na ang tunay na kabutihan,…

Ibahagi Ang Pag-asa

Nasa murang edad pa lamang si Emma, parang nakabisado niya na agad ang buong Biblia. Kaya naman, humahanga kami sa kanya. Tinawag namin siya na ‘walking Bible’. Pero sinabi ni Emma na hindi naman talaga siya bumibigkas ng mga talata sa Biblia, kundi sinasabi lamang niya ang laman ng kanyang puso at isipan.

Iyon pala ang bunga ng araw-araw na…

Mabuhay Para Magsilbi

Nakatanggap ang sampung taong gulang na si Chelsea ng magarang ‘art set’ (mga gamit pang ‘art’ tulad ng pangdrawing, pangkulay). Dito niya nabatid na ginagamit ng Dios ang sining para pagaanin ang kalungkutan niya. Naisip niyang bigyan din ang mga batang walang gamit pang-‘art’. Para sa kanyang kaarawan, sinabi niya sa mga kaibigan na ‘wag siyang bigyan ng regalo. Sa halip, inanyayahan…

Saan Man Sumamba

Nakakalungkot. Hindi na naman ako nakapagsimba sa simbahan namin dahil sa matinding sakit ng ulo at iba pang sakit ng katawan. Nanood na lang ako ng pangangaral na nasa ‘internet’ pero sa simula, mabigat ito sa loob ko. Idagdag pa na masakit kasi sa mata at tainga ang pinanonood kong ‘video’. Pero nang inawit ang isang pamilyar na kanta, naiyak na…